Inner Whispers - ! ! MAHAL KITA...ALAM MO BA?
Описание
Pakiramdam ko'ng kakaiba, hindi ko maipaliwanag talaga Sa bawat araw at gabi ikaw ang inaasam, sinta Paggising sa umaga, malamig na pawis sa katawang nagbabaga, Sa pagmamahal mo'ng tunay ako ay nangungulila... Nais ko'ng maramdaman dampi ng iyong halik Maiinit na yakap sa aking pagbabalik, Maransan mo'ng tunay pag-ibig ko'ng naghihimagsik Wala ng iba'ng nais pa'ng makatabi at makatlik... __________________ Ang palahaw ng nangungulila ko'ng puso, nais ko'ng malaman mo Pananabik sa araw na ika'y makaniig ko, Maramdaman ang bawat haplos ng pagmamahal mo At marinig ang usal ng pag-ibig na nasa puso mo... Mahal ko, pakinggan mo... Hindi ko nais maramdaman ito Subalit bulong mo na pumupukaw sa tatag ng loob ko Ipinagkakanulo ako ng pagnanasang ikaw ang pangarap ko! Pangarap kita sa duyan ng pagnanasa Binabalot ang pagkatao ko ng pananabik na makasama ka, Hangad ko'y iparamdam sa'yo ang dakila'ng pagsinta Walang hanggang pagmamahal, habang-buhay, mamahalin kita! Inner Whispers poemhunter.com/poem/mahal-kita-alam-mo-ba/
Комментарии